Handog ay Tuwa

Handog ay Tuwa

Sobrang nakakatuwa nang makita kong malaki ang naging incentive sa nagdaang school opening. Naisip kong maipasyal ang aking dalawang anak kasama ang aking kuya at ate sa SM Calamba. Daan din ito para mas maka bonding ko ang aking mga anak lalo pa at malayo ako sa kanila.
Kalakasan at kahina ko ang aking mga anak ngunit para sa trabaho ay handa itong isakripisyo dahil lagi ko namang sinasabi sa kanila na ito ay para sa kanila. Sobrang saya sa pakiramdam na sobrang nag enjoy ang aking mga anak sa maging pamamasyal. Ilang oras man ito ngunit sobrang sulit makita silang masaya sa bonding namin na ito.
Sobrang pasasalamat sa aming mga Boss at sa Pandayan sa pagbibigay sa bawat Kapwa ng isang matagumpay na school opening. Hindi lang ako ang masaya sa natamo kong incentive kundi sobrang saya rin ng aking mga anak dahil sa kanila ko ito nailaan.